Thursday, March 24, 2011

sa tula ko nalang ilalabas kahit kulang at bitin

sa bawat araw na dumadaan
ako'y lalong nalulunod
sa umaapaw na damdamin

sa bawat araw na dumadaan
lumalakas ang agos,
ang tibok ng aking puso

sa bawat araw na dumadaan
lalo ako'ng napapaisip tama ba ito,
o nililito ko lang ang sarili ko?

sa bawat araw na dumadaan,
lalo akong naiinis
dahil sa mga nararamdaman ko

sa bawat araw na dumadaan
dinadaing ko sa Kanya
ang lahat ng bagyo na nasa puso ko

sa bawat araw na dumadaan
lagi akong humihiling
na sana

sa bawat araw na dadaan
sa susunod
ay mas malinaw na ang patutunguhan.

No comments:

Post a Comment