I.
minsan...
sya'y dadaan sa harap mo
at parang may dumaang anghel
minsan,
sya'y dadaan sa harap mo
at parang may ihip lang ng hangin na lumipas
minsan,
parang isang bituing maliwanag
na nagbibigay ligaya sa lahat
minsan,
parang isang makulimlim na ulap
na parang sakuna ang darating
minsan,
napakalinaw nyang kausap
at parang mga salita ni solomon ang naririnig
minsan,
parang ipu-ipo
na hindi mo mawari kung ano ba talaga
minsan lang naman.
bawat araw.
II.
sa labas,
puno sya ng ngiti
sa bawat kumpas ng kanyang balakang
malalaman mo'ng malakas ang kumpyansa sa sarili
ang tindig nya'y
parang kaya nya ang modernong mundo sa balikat nya
ang tawa nya'y nagbibigay ng saya
ang mga lambing nya'y nagbibigay kapayaapan sa malungkot
pero...
sa kailaliman ng puso nya'y
may mga tanong, na sana'y nasasagot
pero di nya pwede'ng itanong
sambitin, o ipahiwatig man,
dahil para maging isang tunay na babae
mas magandang di ipinapakita ang lahat ng dapat makita
sa loob ng puso nya
lalo na sa taong ninanais nito...
III.
maganda ako
-napapansin mo kaya?
masayahin ako
-natutuwa ka rin kaya?
kapag kumakanta ako
-nahuhumaling ka ba?
sa bawat araw na lumilipas
-naaagaw ko ba ang atensyon mo?
sa bawat pagtawa ko
-napapatibok ko ba ang puso mo?
sa bawat ngiti
-napapatigil ka ba?
nais ko lang naman na malaman
kung may nakakapansin ba
at kung ikaw yung nakakapansin.
sana ikaw ang nakakapansin.
kung sino ka man,
na nilaan ng Dyos para sakin.
IV.
ang babae ay babae
ano pa ba ang masasabi mo dun?
No comments:
Post a Comment