Saturday, March 26, 2011

ala-una ng umaga

sa bawat araw...
na nakalipas...
unti-unti nang kumukupas...
parang mga pinaglumaang pantalon,
sapatos, medyas at panyo...
na dati'y punung puno ng kulay...
ngayo'y pawang pumupusyaw...

bibitawan ko na.
pakakawalan ko na

at sa pagpikit ng aking mga mata,
nakita ko'ng lumipad na parang isang batalyong paru-paro
o kung ano man...
ang mga mala-isip batang damdamin

na nilaan ko para sayo.


unti unti...
palayo ng palayo...

sila'y lumipad at dala ng hangin...


     hanggang



                      sa....







                               tuluyan



                                                                     nang







naglaho.


 - - -



*


ayun. ok na ako.

yey! haha!

No comments:

Post a Comment