nakaka-kilig
nakaka-tuwa
nakaka-loka
nakaka-inis
nakaka-frustrate
nakaka-ilang
nakaka-hiya
nakaka-pagtataka
...
mas gusto ko pang manood ng alon sa dalampasigan
kesa tiisin ang pagobserba ng damdamin ko at ng mga kilos mo
sana tayo nalang ang bumubuo sa dagat at dalampasigan
edi boracay na sana ang nabuo (HAHAH!)
kesa naman ganito...
parang di mawaring tubig-baha
na puro putik
at malabo ang kulay
sa sobrang labo di mo na makita paa mo...
o Dyos ko po!
patawarin Nyo ako!
wala nang ibang bumabagabag sa isip ko,
kundi ang taong ito!
Kung pwede lang, kunin Nyo na ako!
kesa naman pagdusahan ko pa ang suspense nito.
waaaaaaaaaaaah~
enjoyin ko raw, sabi nila...
ineenjoy ko naman...
kaso...ewan.
ang labo talaga eh.
mabuti pa yung ulam nya...malinaw na masarap.
hay.
tama na. tama na ang tula.
tama na ang mga laro sa salita
mga mali-maling tula, na wala namang kahihinatnan..
wag nang pilitin ang wala naman
wag nang awayin ang hangin
at hayaang umihip nalang ang matamis nitong mga bulong
sa tuwing makakapiling sa hapon.
No comments:
Post a Comment