Friday, March 25, 2011

ang mga awit kong tinutula kasi di ako marunong kumanta

pagmulat ng aking mga mata
di ko namalayan kung ano'ng oras na
pero ayos lang dahil kung ano'ng ligaya
ang sumasayaw sa aking kaluluwa

kapayapaang di naglalaho
kalakasang di nauubos
pag-ibig na di nagmamaliw
kapangyarihang out of this world talaga. haha!

habambuhay ako'ng hahanga Sa'yo
habambuhay ko'ng ititiwala ang buhay ko
habambuhay ako'ng sasamba
sa Dyos na hawak ang mundo

ibang klaseng pagmamahalan
ibang klaseng ugnayan
talagang sigurado ako'ng buhay Ka!
hindi pa ba sapat na patunay ang buhay ko?

ang puso ko'y umaapaw sa paghanga
pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko
at hindi ko alam kung pano ko pa maitatago ito.
haaaaay~ <3

2 comments: