Monday, June 18, 2012

bakuna (vaccine)


akala ko panaginip
pakiramdam ko'y umakyat ako sa langit
yun pala'y dahil sa lalim ng tulog ko...
ay binuhat nyo nako papunta dun sa kwarto

nagising ako nun,
pero nagtulug-tulugan ako
kasi natuwa ako
na nakapulupot sa bisig nyo

matapos nun natulog na ulit ako
nalimutan ang lahat ng sakit
galing dun sa bakuna
na pinilit ko nalang itulog
habang nakadapa ako

For father's day...:)

No comments:

Post a Comment