Day 06 |
Here's the origin of inspiration for this:
Calle Crisologo (15 Apr 2012)She owns a blog...please do visit her wonderful thoughts here: http://pagsablay.wordpress.com/
By Pat San Jose
Sa isang lumang kalye
Matapos ng taimtim na pag-usal
Sa isang birong pagsamo
Papitik-pitik na kinulayan
Ng kadiliman ang
Iyong kadiliman.
Pasuray suray na paglakad
Sa patutunguhang serbesa ang nagdikta
Pagyapos sa malamig at lumang kalyeng
Ginahasa ng mga karwahe
Ng pagkakataon, ng pag-asa,
Ng mga sirang pangarap na ‘di malasing
ng isang tagay pa.
At nais ko mang hawakan ang iyong kamay
Ako’y pitik ng liwanag na nangangailangan
rin ng gabay
Sa payak nating sabay na pagsuray
Sa isang lumang kalye
Bumulong sa akin ang gabi –
Ng pagkakataon, ng pag-asa –
Ngunit naging masyadong mabilis ang
pagdating ng umaga.
Here's for June 7:
Day 07 |
Just for the lulz
No comments:
Post a Comment