na talaga namang nakakapagpamulat ng mata
ginigising ang tulog na diwa
hinahampas ka para maibalik sa tama
ilang bwan, linggo, at araw ka na bang tulog?
hinahayaang maanod ng agos
kung saan at kailan man sya dalhin nito
ni wala ka manlang laban
ni hindi ka manlang pumapalag
para dalhin ang sarili mo sa mga bagay na gusto mong maatim.
imulat ang mata
wag magpadala sa likaw ng bituka
paliyabin ang apoy na malapit nang maupos
ipaglaban kung ano ang tama
gumising ka na iha.
di pa ba sapat ang iyong narinig?
di pa ba sapat ang mga tisod na muntikan nang magpabagsak sayo?
di pa ba sapat ang mga muntikan na?
tama na.
imulat mo na'ng yong mga mata
oras na para makita nila
kung ano ba talaga ang meron ka
at ang nagliliyab na apoy na handa mong ipasa sa iba.
----
1 Thessalonians 5:19 - "Do not put out the Spirit's fire;"
1 Corinthians 9:24-27 - "Do you not know that in a race all the runners run, but only one gets the prize? Run in such a way as to get the prize.Everyone who competes in the games goes into strict training. They do it to get a crown that will not last; but we do it to get a crown that will last forever. Therefore I do not run like a man running aimlessly; I do not fight like a man beating the air. No, I beat my body and make it my slave so that after I have preached to others, I myself will not be disqualified for the prize"
a reminder to me that there is always...and always will be room for improvement hope this will help you as well:
LINK to the post itself |
No comments:
Post a Comment